
crammmmming..
Sa tuwing nahihirapan at tanging kalungkutan lang ang idudulot ng pangyayari, lagi kong pinipiling huwag ng magsalita, huwag ng umimik, lumayo na lamang at damdamin ang kalungkutang hatid nito. ewan ko ba kung bakit palagi na lamang akong nahahantong sa pagkakamaling hindi na mababago at paulit-ulit pa ang pagdating nito. ang saya sana kung kahit nabibigo ay may nararamdaman ang tagumpay sa kabila ng lahat ngunit, siguro, walang maalasap ng kasiyahan kung hindi naman ako kumikilos.
Ano ba ang pinagsasasabi ko? Ito lang naman ay ang lahat ng kaikangang gawin sa school, sa bahay, at kung saan-saan pang parte ng buhay ko. Hindi na naman ako pumasok dahil hindi ko nagawa ang isang assignment na ipapasa ngayon. Hindi ako pumasok dahil ayokong mangarag sa lahat ng tambak na Gawain na maaalala ko na naman sa tuwing tutuntong ako sa bahay ni oble. Second year na ako. Hindi pa rin ako natututo. Takot pa rin nab aka magkamali. Hmm,siguro hindi takot na magkamali basta magawa ito agad ng tama. Pero hindi eh, mali pa din.
Dahil sa bagyong Basyang, binigyan ako ng sang pagkakataong mag-aral pang muli para sa isang exam sa chem 14. Ayun, medyo nakapag-aral naman kaso, hirap ako. Hirap pa din. Hindi ko maintindihan ang ibang parte kahit naunawaan ko na ang mga madadaling bagay tungkol sa exam na iyon. at take note, may darating pang isang exam na hindi pa ako nakakabuklat ng kahit anong libro para mag-aral doon.
Nahihirapan ako. Nahihirapan akong makita ang sarili kong nahihirapan. Ayoko ng ganito. Ginagawa ko ba lahat ng kayak o? Ano ang mali ko? Gusto kong itama ang lahat ngunit hindi ko alam kung paano magsisimula. Sabi nila, madali lang, gawin mo lang ng gawin, aral lang ng aral. Sabi pa noong isa, mag-aral ka lang doon, mahalin mo ang subject na iyon, at hintayin mong mahalin ka din pabalik. Sino siya? Isa siyang magaling at matalinong kaibigan. Matalino siya not by book but being madiskarte. Iyong tipong kakaturo pa lang ay iaapply niya talaga sa totoong paraan.
Hindi tamang mainggit pero, isa sa mga dinulot ng pagpasok ko sa bahay ni Oble ang mainggit sa mga taong mas matalino at mas magaling sa akin. Para bang nadedegrade ang sarili ko lalo na pag nakikita kong napakabobo ko pa pala kung para sa kanila. Ewan ko, it’s just human nature na hindi ko maalis-alis kahit kailan.
Sabi niya, sarili ko lang ang makapagsasabi kung kailan at kung paano ko magagawang makabangon uli salahat ng aking pagkakamali. Gusto kong umiyak ngunit ang mga luha ay lalo lang magpapaalala sa akin na ako’y mahina. Gusto kong tumakbo palayo ngunit, hindi alam kung saan tutungo ang aking mga paa. Gusto kong magpahinga ngunit ang oras ay unti-unting nasasayang na kitang kita ko sa harapan ko habang ako’y nakahiga lang at papikit-pikit, minsan natutulog, minsan nakatunganga.
Life is always like that. Unfair. Lagi na lang niya kong pinapaikot sa kanyang mga kamay. Lagi na lang paiba-iba ang mga nangyayri sa akin kahit saang anggulo ko tingnan, there’s nothing left for me to be happy about.
My life is always like that. Failure. All of it is just a joke. Pero kahit ano pamang gawin ko, nandito na ko. Tatakbuhan ko pa ba eh ito na nga lang ang natitira sa akin? I have mty own set of skills na kahit ang mga matatalinong kasama ko sa bahay ni Oble, ay hindi kaya o wala ni isa mang dito. The grass will always be greener on the other side. Hindi na siguro ako makukuntento kapag hindi ko pa binago ang sarili ko. Hindi ko na alam. Hindi ko alam kung saan ako kakapit, ni hindi na ata ako marunong kumapit kanino man.
Magaling din naman ako kahit papaano. Medyo may galing din naman ako sa math. Nakakapagsabayan din ako sa kanila sa programming at kayak o rin namang maging mataas sa exam. Pero ano kaya sa sarili ko ang mali na nagbubunga ng maling pag-iisip at pang-unawa?
Kung bibigyan man ako ng pagkakataong bumalik sa nakaraan at itama lahat, siguro, hindi ko na tatanggapin, hindi ko siguro mararamdaman na nagtagumapy ako sa huli.
Kakatxt lang ng minamahal ko at next week na daw ang exam sa chem. So math 74 na ang nakahanay na dapat kong reviewhin. Hindi ako nakapagpasa nung exercise dun. Ayun, mababa na talaga ang grade ko.
Hindi ko na talaga alam ang dapat kong gawin. Medyo nawala na ang masamang pakiramdam…sana maging ok din ang lahat, nilabas ko lang sa mga salita para hindi na magaccumulate sa utak ko at makapag-isip ako ng paraan para makapagbago.

Your Side...